INIHAYAG ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ang mga doktor na magkakaloob ng anti-parasitic drug na ivermectin, gamit ang isang permit for compassionate use, ang siyang may pananagutan sakaling magkaroon ito ng side effects o anumang isyu sa kanyang pasyente.
Ayon kay Domingo, isa sa mga requirements sa pag-aaplay para sa compassionate use permit ay ang assurance o pagtiyak ng doktor na aakuin niya ang responsibilidad sa paggamit ng Ivermectin sa kanyang pasyente.
Paliwanag ni Domingo, ang pagproseso ng compassionate use application para sa Ivermectin ay inaabot lamang ng 24 hanggang 48-oras kung kumpleto ang requirements nito.
“Pagkatapos mangangako siya (doktor) na he will take full responsibility for the use of the drugs. Pagkatapos ipapakita ang ebidensya na may ongoing clinical trial itong gamot na ito,” ayon pa kay Domingo, sa panayam sa radyo.
Matatandaang kamakailan lamang ay inianunsiyo mismo ni Domingo na inaprubahan nila ang aplikasyon ng isang ospital para sa compassionate use ng ivermectin sa tao.
Ani Domingo, tanging ang mga pagamutan lamang na may compassionate use permit ang papayagang mag-angkat ng naturang gamot, sa pamamagitan ng lisensiyadong importer.
Nangangahulugan ito na kung walang permit, ang distribusyon ng Ivermectin ay nananatiling bawal dahil hindi ito rehistrado sa FDA. Ana Rosario Hernandez
564304 589685This really is the sort of info Ive long been in search of. Thanks for posting this data. 869817