DOKTOR NA NAGSIWALAT NG NCOV SA WUHAN MARKET PUMANAW NA

Dr. Li Wenliang

VIRAL ngayon sa social media ang pagpanaw ng isang 28-anyos na Chinese  doctor na unang nagsiwalat tungkol sa bagong ‘SARS-like’ disease na ngayo’y tinawag na 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Namatay si Dr. Li Wenliang, isang opthalmologist matapos itong dapuan din ng coronavirus.

Ika-12 ng Enero nang itakbo sa pagamutan si Wenliang nang mahawaan ito ng kaniyang pasyenteng positibo sa nasabing sakit.

Kinumpirma naman ng World Health Organization ang pagkasawi ng doktor.

Noong Disyembre ay nagbabala na si Wenliang tungkol sa sakit na maaring kahalintulad ng SARS.

Nagpadala  ito ng  mensahe sa WeChat na  mayroong pitong pasyente mula sa palengke sa Wuhan ang na-diagnose sa sakit na katulad ng SARS at isinailalim sa quarantine.

Nauna nang inakusahan si Wenliang ng rumor-mongering ng Wuhan police. DWIZ882

Comments are closed.