MAY pag-asang makatapos ng pag-aaral sa pagiging doktor ang karapat-dapat na kabataan.
Ito ay nang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11509, na kilala rin bilang Doktor Para sa Bayan Act.
Sa ilalim ng batas, itatatag ang Medical Scholarship and Return Service (MSRS) program para sa mga karapat-dapat na mag-aaral ng state universities and colleges (SUCs) o mga partner na private higher education institutions (PHEIs) sa mga rehiyon na walang SUCs na nag-aalok ng a medical course.
Ang Commission on Higher Education (CHED) ang siyang magtatalaga ng mga partner HEI sa bawat rehiyon kasama ang SUCs na nag-aalok ng Doctor of Medicine (MD) program, na kinakailangan alinsunod na rin sa konsultasyon sa Department of Health (DOH).
Ang kuwalipikadong aplikante mula sa mga munisipalidad na walang government physicians ay prayoridad sa allocation ng scholarship slots para matiyak na magkakaroon ng doktor ang kada munisipal o bayan ng bansa.
“Under the new law, the MSRS program will be made available to deserving Filipino students who want to pursue an MD degree,” ayon sa statement mula sa Malakanyang.
Sakop ng batas ang financial assistance sa mga mag-aaral para sa MSRS program gayundin ang free tuition and other fees; allowance for prescribed books, supplies, at iba pang equipment; clothing or uniform allowance; allowance for dormitory or boarding house accommodation; transportation allowance; internship fees, including financial assistance kapag nasa mandatory internship; medical board review fees; licensure fees; annual medical insurance; and other education-related miscellaneous subsistence or living allowances.
Sa paglagda, kinilala ng Pangulo ang RA 11509, ang polisiya ng estado na proteksiyonan at iangat karapatan ng mamamayan para sa kalusugan sa pamamagitan ng mga pagsasabatas.
“It is also the declared policy of the state to promote social justice by expanding access to quality education and creating opportunities for underprivileged individuals,” alinsunod pa sa nasabing batas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.