DOKTOR SA MAYNILA PATAY SA COVID-19

Manila Mayor Isko Moreno

“I WOULD like to inform you. Nalulungkot po kami na kahapon isa na naman frontliners o doktor ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang sumakabilang-buhay.”

Ito ang pahayag ni  Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa pagkakasawi ng doktor  na tinuturing nilang modern-day heroes na kasama na sa giyera laban sa coronavirus mula sa simula.

Binigyang pagkilala ng alkalde  si Dr. Reino “Nong” Palacpac, isang pediatrician na nakabase sa  Justice Jose Abad Santos General Hospital, na  mahal na mahal ng kanyang mga kasamahan at isang dedicated medical frontliner bago ito tuluyang ginapi ng coronavirus.

Ayon pa sa alkalde, kitang kita ang bangis ng CO­VID-19 at kahit isang doktor na may kaalaman at dalubhasa na sa paglaban sa ibat ibang uri ng sakit ay kayang pas­langin kaya nanawagan ito sa lahat ng medical frontliners na mag-dobleng ingat ganoon din sa mga mamamayan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.