DOKUMENTO VS JOMA, NPA RECRUITMENT HAWAK NG PNP

KUMPIYANSA si Philippine National Police (PNP) Chief Gen.Guillermo Eleazar na mananaig ang kanilang kaso laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’ Army (CPP-NPA) hinggil sa ginawang recruitment ng mga ito sa kabataang mag-aaral at nahikayat na mamundok.

Sinabi ni Eleazar na gagamitin nila ang mga dokumento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa mga paglabag ng mga komunistang terorista para sa kasong inihain.

Kinumpirma rin ni Eleazar na aabot sa 1,672 mga kaso, paglabag sa karapatang pantao, International Humanitarian Law ng mga komunistang terrorista mula pa noong taong 2010 hanggang sa kasalukuyan.

Ang nasabing dokumento mula AFP ay hiniram at hawak na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Bukod sa recruitment sa mga mag-aaral para mamundok at mayroon pang nabubuntisan, kabilang sa mga kaso ang paggamit sa child warrior, pagpatay, paninira ng mga kagamitang sibilyan, paggamit sa mga anti-personnel mines at iba pa.

Ang pagkakaroon ng mga dokumento ay katunayan na may ugnayan ang AFP at PNP para labanan ang mga komunistang terorista.

Una nang sinampahan ng CIDG ng mga kaso si CPP Founding Chairman Jose Ma. Sison sa pagre-recruit nito sa mga kabataan para sumali sa kilusan na nagsisimula sa student organizations na nabistong legal front ng mga komunista. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “DOKUMENTO VS JOMA, NPA RECRUITMENT HAWAK NG PNP”

  1. 449093 202474Maintain in touch whilst functioning from your personal home office with out all with the hassle of purchasing or procurment costly workplace equipment. Debtors are allowed to apply with their a bad credit score background whenever. 844603

Comments are closed.