NAMIGAY ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng goodies sa mga returning overseas Filipino workers (OFW) pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang Pamaskong Pasalubong sa mga ito.
Ayon sa DOLE at OWWA bukod sa NAIA mamimigay rin sila sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Pinangunahan naman nina DOLE Secretary Silvestre Bello III, at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac kaagapay ang kanilang mga tauhan na naging katuwang sa pamimigay ng cash gifts sa returning OFWs.
Sampung masusuwerteng OFWs ang nanalo ng tig-P10,000 cash na maiuuwi sa kanilang mga pamilya. FROI MORALLOS
Comments are closed.