DOLE DAPAT MAGPOKUS SA MGA PINOY NA NAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA PANDEMYA

HANGGANG ngayon, walang puknat ang pagdaing ng mga kababayan natin na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya ng COVID-19. Marami na ang nasirang kabuhayan at lalong dumami ang naghihirap at nagugutom.

Unang-una tayong mananawagan sa Department of Labor and Employment  na sana, magkaroon sila ng solidong plano o special programs para sa mga manggagawa at mga industriya na patuloy na apektado ng pandemya.

Para sa mga kabataang tumigil sa pag-aaral dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanilang mga magulang dahil sa COVID-19, may programa ang gobyerno – ang Special Program for the Employment of Students o SPES. Ang SPES po ay nagbibigay ng job opportunities sa mga estudyanteng tumgil sa pag-aaral o sa mga out of school youth.

Pero nais din nating purihin ang DOLE dahil sa masugid nilang paglalaan ng mga assistance program para sa mga sektor na patuloy na hinahagupit ng pandemya – nariyan ang kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Malaking tulong ang mga programang ‘yan ng DOLE, pero mas mabuti pa rin na sana, lahat ng Pilipinong nagdarahop ngayon, mabiyayaan ng tulong ng gobyerno. Hanggang ngayon kasi, napakarami pa talaga ng mga ‘di pa nakababangon.  Sana walang maiwan sa ere na patuloy na naghihirap.

Nagpalabas ng report ang Philippine Statistics Authority noong August 2021 na nagsasabing nasa 8.1 percent unemployment rate tayo sa kasalukuyan. Ang ibig sabihin, malayo pa rin talagang maabot natin ang recovery levels na maihahambing sa takbo ng pamumuhay natin noong 2019.

Kung pagbabasehan natin ang PSA report, 3.88 milyong Pilipino ngayon ang walang trabaho o 6.9 percent na mas mataas sa naitalang jobless Pinoys nitong nakaraang Hulyo 2021.

Sa budget briefing na pinagunahan ng ating komite noong isang linggo, ang Senate Committee on Finance,  nakapanlulumo ang sinabi ng Department of Trade and Indusry (DTI) na kulang-kulang 900,000 ang mga Pinoy na nawalan ng trabaho noong isang taon. Ganoon kalaki ang bilang ng mga biglang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemyang ito.

Nakaaalarma ang mga numero Hindi pa natin naranasan ‘yan sa nakaraang 15 taon.

Hiling natin sa DOLE, sana magkaroon sila ng feedback mechanism para matukoy kung sino-sino ang mga nawalan ng trabaho, kung saan sila naninirahan at kung anong sektor sila nabibilang. Mas magiging madali para sa gobyerno na matulungan sila sa ganitong paraan.

Umaasa tayo na sakaling ma-locate ang mga kababayan nating ‘yan, mapabilang sila sa mga programa ng TUPAD at CAMP, para kahit paano, maitawid nila ang kanilang pamilya. Nakakaawa talaga na kung kailang mas kailangan nila ng tulong at kabuhayan dahil nasa pandemya nga tayo, nawalan pa sila ng trabaho. Nakadidismaya.

Wala pa ang pandemya, marami na sa mga kababayan natin ang naghihirap. Paano pa ngayon? Patuloy ang pagdami ng mga kaawa-awang Pilipino na hindi pa naaabot ng tulong.

Kaya sana, mabigyang-pansin ang problemang ito. Hindi natin nareresolba ang kahirapan – mas lalong lumalala at nadaragdagan. Dapat tayong umaksiyon para sa kapakanan ng mamamayan.

6 thoughts on “DOLE DAPAT MAGPOKUS SA MGA PINOY NA NAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA PANDEMYA”

  1. It’s really great. Thank you for providing a quality article. There is something you might be interested in. Do you know totosite ? If you have more questions, please come to my site and check it out!

  2. 506156 481732The next time Someone said a weblog, I hope that it doesnt disappoint me just as a lot as this. Come on, man, I know it was my choice to read, but When i thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is truly a handful of whining about something you can fix within the event you werent too busy looking for attention. 864064

  3. 49038 592876Greatest fighter toasts ought to entertain and supply prize on your couples. Initially audio system next to obnoxious crowd would be wise to recognize one certain gold colored strategy as to public speaking, which is private interests self. very best man jokes 263924

  4. 832342 184902It is practically impossible to find knowledgeable males and women during this subject, nonetheless you sound like do you know what youre discussing! Thanks 155998

Comments are closed.