AMINADO ang Department of Labor and Employment (DOLE) na hirap ang ahensiya sa pag-hire ng mga bagong empleyado, lalo na ng mga abogado.
Ito ay kasunod ng pagsita ni Senadora Imee Marcos sa budget hearing kung bakit may 1,000 job vacancies ang hindi pa rin napupunan ng DOLE.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, masyadong mababa ang entry level ng mga abogado sa kanila kung kaya mas ginugusto ng mga iba na sa Department of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO) at sa Office of Solicitor General na lamang mag-apply.
Aniya, wala rin silang quasi-judicial function at puro legal lamang kung kaya mas mababa ang suweldo sa kanila.
Dahil dito, nagpasaklolo si Bello sa Senado na matulungan silang solusyonan ito at maitaas ang sahod ng kanilang mga abogado kahit papaano.
Tiniyak din ng DOLE na nakikipagtulungan na sila sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang National Economic Development Authority (NEDA) para sa employment recovery. DWIZ 882
Comments are closed.