(DOLE naburyong sa fake and dishonest autopsy result sa pinaslang na DH) PERMANENT OFW DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT ISINULONG

Silvestre Bello III

MAYNILA – NAIS ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipatupad ang permanent deployment ban sa mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kuwait makaraang makatanggap ng “fake and dishonest” autopsy result sa Pinay domestic helper na pinas­lang ng kanyang amo noong Disyembre.

Inamin ng kalihim na nagdududa siya sa finding ng Kuwaiti forensic doctors nang makatanggap ng two-sentence autopsy report sa labi ni Jeanelyn Villavende kung saan nakasaad na namatay ito dahil sa “physical injuries.”

“I wrote to NBI (National Bureau of Investigation) to conduct our own autopsy, and I found out na ‘yong autopsy report ng Kuwaiti government ay palpak, sinungaling at walang kwenta,” ayon kay Bello na dumalaw sa burol ng biktima sa Nurallah, South Cotabato.

“Due to the false” autopsy report, I will recommend to the governing board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) to impose a deployment ban of household service workers to “worthless” Kuwait, promising to deliver justice for Villavende,”ayon sa kalihim.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Bello dahil sa sinapit ni Villavende at tiniyak na pananagutin ang maysala.

“We will not allow injustice done to our OFW. We will see to it that the culprits will answer for their crimes,” dagdag pa ni Bello.

Batay sa autopsy report  ni National Bureau of Investigation (NBI) medical officer Dr. Ricardo Rodaje, may posibilidad na hinalay si Villavende bago pinaslang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.