DOLE NAGBABALA VS JOB OFFER NA MUSHROOM PICKER SA CANADA

MAYNILA – PINAG-IINGAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko sa mga ‘too good to be true’ o malayo sa katotohanan na mga alok na trabaho sa ibang bansa.

Kasunod ito ng ulat na nagkakaroon umano ng demand para sa 700 mushroom pickers sa Canada kung saan makatatanggap sila ng P150,000 kada buwang suweldo.

Sa ulat ni Labor Attaché I-designate Celeste Marie Ramos ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Toronto kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala umanong 700 job order para sa trabahong mushroom picker sa Canada.

Dagdag pa rito, ang mga ulat na P150,000-P180,000 kada buwan na suweldo bilang mushroom picker ay “inflated at inaccurate.”

Ang mga mushroom picker ay kadalasang binabayaran ng minimum wage sa Ontario at iba pang probinsya.    PAUL ROLDAN

3 thoughts on “DOLE NAGBABALA VS JOB OFFER NA MUSHROOM PICKER SA CANADA”

  1. 840768 46005Ive been absent for some time, but now I remember why I used to adore this blog. Thank you, I will try and check back much more often. How regularly you update your web website? 280524

  2. 90530 866504Hi, Neat post. Theres a problem along with your web site in internet explorer, would test this IE nonetheless will be the market leader and a big portion of men and women will miss your great writing because of this issue. 662616

Comments are closed.