DOLE NAGLABAS NG PATAKARAN SA RENEWAL NG REHISTRO NG LABOR CONTRACTORS

Secretary Silvestre Bello III

NAGLABAS na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng patakaran para sa pag-apruba ng aplikasyon sa renewal ng rehistro sa labor contractors upang mas mapabilis pa ang pro­seso nito.

Batay sa Labor Advisory No. 06, nilinaw ang patakaran sa pag-renew ng rehistro ng contractor sa ilalim ng Department Order No. 174, series of 2017, kung saan agad aaksiyunan ang pag-renew ng aplikasyon ng labor contractor na walang inspection findings o walang naka-pending na kaso.

Ang aplikasyon para sa renewal ng rehistro ng contractor na sumunod sa mga itinakdang patakaran sa ilalim ng Section 21 ng D.O. 174-17 ay aaksiyunan ng DOLE ayon sa kasalukuyang proseso.

Nakasaad din sa advisory na hindi tatanggapin ang aplikasyon para sa renewal ng re­histro ng kaso na may inspection findings o may naka-pending na kaso at naisyuhan ng pinal na Compliance Order.

Ipoproseso lamang ang aplikasyon kapag isinumite ang katibayan sa pagsunod sa compliance order o ang kautusan na idinismis na ang kaso.               ANA ROSARIO HERNANDEZ

One thought on “DOLE NAGLABAS NG PATAKARAN SA RENEWAL NG REHISTRO NG LABOR CONTRACTORS”

  1. 834270 902133Hello. Cool post. Theres an concern with the website in internet explorer, and you may want to test this The browser is the marketplace chief and a large element of other folks will miss your excellent writing due to this problem. 584170

Comments are closed.