DOLE NAGPAALALA SA HOLIDAY PAY RULES

DOLE

NAGPAALALA  ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga private employers na sundin ang holiday pay rules sa National Heroes Day.

Ayon sa DOLE, para sa mga empleyadong pumasok kahapon, dapat silang bayaran  ng 200% ng kanilang suweldo sa unang walong oras ng trabaho.

Dagdag naman na 30 porsiyento  kada oras para sa mga mang­gagawang may overtime.

Dagdag din na  30 porsiyento sa 200% daily rate kung ang empleyado ay nagtrabaho kahit rest day.

Comments are closed.