NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa holiday pay rules para sa Disyembre 8.
Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng kapistahan ng Immaculate Conception o Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.
Dahil deklaradong special non-working holiday ang araw na ito, ipatutupad ang no work, no pay policy para sa mga hindi papasok maliban na lang kung rest day.
Makatatanggap naman ng karagdagang 30% sa arawang suweldo ang mga manggagawa na papasok sa trabaho.
Kailangan namang dagdagan ng employer ng 30% ang suweldo ng manggagawa kung sakaling mag-overtime siya o magtrabaho lagpas sa itinakdang 8 oras.
Sakaling naka-day off at pinapasok sa trabaho, dapat bigyan ng dagdag na 50% ang mga manggagawang papasok sa kanilang trabaho sa basic pay.
Habang kailangang dagdagan din ang bayad ng 30% ng suweldo sakaling mag-overtime o lumagpas na sa 8 oras ang trabahong ginawa. DWIZ882
Comments are closed.