PINAALALAHANAN kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa pagkakaloob ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado ngayong Disyembre.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, iminamandato ng batas ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga manggagawa at dapat itong maibigay sa mga manggagawa bago mag-Pasko.
Nabatid na may ilan naman na sa mga employer na ang nakapagbigay na ng kalahati ng 13th month pay ng kanilang empleyado kaya’t kalahati na lamang ang ibibigay ng mga ito ngayon.
Inaasahan namang ngayong Nobyembre 15 ay ibibigay na ang 13th month pay ng mga empleyado ng gobyerno.
Nilinaw ng DOLE na maging ang mga empleyadong nagbitiw na o naalis sa trabaho ngayong taon ay entitled na tumanggap ng 13th month pay. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.