Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga pribadong kompanya sa tamang pasahod sa mga regular at special holiday ngayong Disyembre.
Sa ilalim ng Labor Advisory No. 14, Series of 2024, ang December 8, 24 at 31 ay pawang mga special non-working holidays.
Tinukoy naman bilang regular holiday ang December 25, Pasko at Dec. 30 na Rizal Day.
Sa tatlong araw na special non-working holidays, susundin dito ang ‘no work, no pay’ principle.
Sa mga magtatrabaho sa mga naturang araw, karagdagang 30% ang kanilang matatanggap, maliban pa sa overtime pay.