(DOLE nagpalabas ng guidelines) FREE COVID-19 VACCINES SA WORKERS

Dole

HINDI dapat pagbayarin ang mga manggagawa sa kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19, ayon sa guidelines na inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa vaccination sa workplace.

Sa Labor Advisory No. 3 Series of 2021 ng DOLE ay itinakda ang guidelines para sa pribadong sektor na nais pabakunahan ang kanilang mga empleyado kontra COVID-19.

Ayon sa guidelines na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga kompanya ay maaaring bumili ng COVID-19 vaccines, supplies, at iba pang serbisyo.

Maaari ring humingi ng suporta ang mga kompanya mula sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa procurement, storage, transport, deployment, at administration ng COVID-19 vaccines.

Libre ang bakuna para sa mga empleyado.

“No cost of vaccination in the workplace shall be charged against or passed on, directly or indirectly to the employees,” nakasaad sa advisory.

Ang mga workplace ay minamandato ring hikayatin ang mga empleyado na magpabakuna.

Sinabi rin ng DOLE na hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon laban sa isang empleyado na tumanggi o nabigong magpabakuna.

“Any employee who refuses or fails to be vaccinated shall not be discriminated against in the terms of tenure, promotion, training, pay, and other benefits, among others, or terminated from employment,” anang ahensiya.

3 thoughts on “(DOLE nagpalabas ng guidelines) FREE COVID-19 VACCINES SA WORKERS”

  1. 762650 743908I discovered your weblog site on google and check just several of your early posts. Proceed to maintain up the outstanding operate. I just extra up your RSS feed to my MSN Information Reader. Seeking forward to reading far more from you in a while! 133162

  2. 527477 843790This style is steller! You certainly know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Fantastic job. I genuinely enjoyed what you had to say, and much more than that, how you presented it. Too cool! 111246

Comments are closed.