MAYNILA – PUMASOK na sa eksena ang Department of Labor and Employment sa pagkamatay ng veteran actor / director na si Eddie Garcia.
Nabatid na sinimulan na ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) ang imbestigasyon sa aksidente sa shooting ng isang TV soap opera na naging sanhi ng kamatayan ng aktor na si Eddie Garcia.
Plano nitong busisiin din kung nagkaroon ng paglabag o pagkukulang ang production sa pagpapatupad ng safety on work place.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na titingnan ng OSHC kung may mga pagkukulang ang TV production company na naging dahilan para maganap ang sakuna.
Dito umano makikita kung naipatupad ba ang safety and health plan ng kompanya.
Sa mga kumalat na video ay sinasabing posibleng hindi napansin ng aktor ang mga nakaladlad na malalaking kawad ng koryente sa kanilang set, dahilan para mapatid ito, madapa at mapilayan na kalaunan ay naging dahilan ng kamatayan nito. VERLIN RUIZ
Comments are closed.