(DOLE, PGH sanib-puwersa sa pangangasiwa) OSPITAL PARA SA OFWS

Labor Secretary Silvestre Bello III-a

MAKAKATUWANG ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Philippine General Hospital (PGH) sa pangangasiwa sa unang ospital para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ng  DOLE na lumagda ito kamakailan sa isang memorandum of understanding (MOU) sa PGH para pamahalaan ang ospital na kasalukuyang itinatayo sa San Fernando, Pampanga.

“I’m glad that the state’s leading research and medical center is supporting the OFW Hospital. With PGH on our side, what could possibly go wrong?” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa ilalim ng MOU, tutulong ang PGH sa OFW hospital sa pamamagitan ng  “pagsasanay ng clinical at administrative personnel, pagpaplano at pagbili ng hospital equipment, at pagbuo ng clinical at fiscal process flow.”

Gagabayan din ng PGH ang ospital sa paglikha ng  electronic medical record at hospital information system at pagbalangkas ng infrastructure layout na may kaugnayan sa clinical services.”

Ang 100-bed hospital building ay inaasahang matatapos sa Marso ng kasalukuyang taon.