PINAYUHAN ng Department of Labor and Employement (DOLE) ang overseas Filipino workers (OFWs) lalo na ang mga construction worker na dito muna sa Filipinas mamasukan bago sa ibang bansa.
Ito ay dahil may ulat na kinakapos na ang mga construction worker dahil sa kabi-kabilang proyektong imprastruktura ng pamalaan sa ilalim ng Build, Build Build.
Todo paliwanag din si Labor Sec. Silvestre Bello III sa ginagawa nilang pagpapabagal sa pag-alis ng mga Pinoy construction workers upang maghanapbuhay sa ibayong dagat.
Aniya, delay sa foreign deployment ng mga construction worker ng hanggang 90 porsiyento upang ipabatid sa kanila na mas kailangan sila rito sa Filipinas.
Kailangan aniya ng bansa ang 800,000 hanggang isang milyong mga skilled worker sa industriya ng konstruksiyon para sa infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.
Pinapaspasan na rin umano ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang training sa mga manggagawa upang mapunan ang kakulangan ng mga trabahador sa infrastructure project ng gobyerno.
“There is a strong local jobs growth but vacancies are not filled either because of skilled workers going abroad or their skills do not match with the available jobs in the market. That’s why DOLE is working with concerned agencies to up-skill our workers and urge them to work locally,” ayon pa kay Bello. AIMEE ANOC