ISASAILALIM sa mahigpit na monitoring ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manufacturer ng paputok sa bansa upang matiyak na tumatalima sila sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito’y kasunod na rin ng nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Sa Advisory No. 20, Series of 2018, na inisyu ni Bello, inaatasan ang lahat ng Regional Directors upang istriktong i-monitor ang compliance ng mga business establishment, partikular ang mga sangkot sa paggawa ng mga pyrotechnics at firecrackers, sa Republic Act no. 11058, o ang Occupational Safety and Health Standards (OSHS) upang maiwasan ang mga aksidente at mga hindi kanais-nais na kaganapan sa kanilang workplace.
“Relative to the increase in the manufacture of pyrotechnics and firecrackers nationwide due to the Christmas and New Year’s celebrations, all Regional Directors are hereby directed to monitor the establishments’ compliance with Republic Act no. 11058, OP Memo Order No. 31, s. 2018, Occupational Safety and Health Standards (OSHS) to avoid any accident in the workplace,” bahagi ng naturang advisory.
Inaatasan Din ang mga labor laws compliance officers (LLCOs) upang asistihan ang mga naturang business establishments sa pagtatama ng mga kakulangan nila sa pagtalima sa OSHS.
Sakali naman umanong tumanggi ang mga naturang business establishments na sumunod sa umiiral na standards, ang mga labor inspectos ay binibigyan nito ng awtorisasyon na mag-imbestiga sa mga paglabag nito, alinsunod sa Department Order No. 183, series of 2017, o ang Revised Rules on the Administration and Enforcement of Labor Laws.
Samantala, ang lahat ng DOLE Regional Offices ay inaasahang magsusumite ng listahan ng kanilang na-monitor at natulungang business establishments sa Bureau of Working Conditions (BWC) hanggang sa Disyembre 28, 2018. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.