BAHAGYANG lumobo ang dollar reserves ng bansa sa $82.13 billion noong Enero, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mataas ito sa $79.19 billion na naitala noong December 2018 dahil sa inflows na nagmula sa net foreign currency deposits ng national government, foreign exchange operations ng BSP, revaluation gains mula sa gold holdings ng BSP bunga ng pagtaas ng presyo ng ginto sa international market, at ng kita ng central bank mula sa investments nito sa ibang bansa.
“However, the increase in reserves was partially tempered by payments made by the national government for servicing its foreign exchange obligations,” ayon sa BSP.
“The end-January 2019 level of dollar continues to serve as an ample external liquidity buffer and is equivalent to 7.2 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” dagdag pa nito.
Katumbas din ito ng 6.2 beses ng short-term external debt ng bansa base sa original maturity at 4.2 beses batay sa residual maturity.
Dagdag pa ng BSP, tumaas din ang net international reserves ng $2.94 billion sa $82.13 billion hanggang end-January 2019 mula sa end-December 2018 level na $79.19 billion.
Comments are closed.