BUMAGSAK ang dollar reserves ng bansa sa pinakamababang lebel nito sa loob ng anim na taon noong Hunyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito’y bunsod ng patuloy na pag-convert ng mga investor ng kanilang holdings sa foreign currency upang maibalik ang kanilang assets o protektahan ang mga ito laban sa paghina ng piso.
Sinabi ni BSP Governor Nestor Espenilla, Jr. na ang gross international reserves level ng bansa hanggang noong katapusan ng Hunyo 2018 ay mas mababa sa $77.68 billion mula sa end-May 2018 level na $79.2 billion.
Ito ang pinakamababa magmula nang maitala ang $75.3 billion sa pagtatapos ng 2011.
“The month-on-month decline in the dollar reserve level was due mainly to outflows arising from the foreign exchange operations of the BSP, revaluation adjustments on the BSP’s gold holdings resulting from the decrease in the price of gold in the international market, and payments made by the national government for its maturing foreign exchange obligations,” wika ni Espenilla.
Gayunman, ang June dollar reserves ay patuloy na nagsisilbing sapat na external liquidity buffer at katumbas ng 7.5 buwang halaga ng imports ng goods at pagbabayad ng services at primary income.
Comments are closed.