Hindi man naiuwi ni Ahtisa Manalo ang korona ng Miss Cosmo 2024, wagi naman si Daumier “Dom” Corilla sa Mister Global 2024, isang annual Thailand-based male beauty pageant.
Ginanap ang grand coronation sa MCC Hall, The Mall Bang Kapi, Bangkok, Thailand, noong Linggo, Oktubre 6, 2024.
Empire PH ang nagpadala kina Dom at Ahtisa sa international pageants.
Sa 32 kandidato mula sa iba’t ibang bansa ng 10th edition Mister Global, nanguna ang 28-años na si Dom para sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.
First runner-up sa Mister Global 2024 si Manuel Romo ng Spain, second runner-up si Favour Ogbuokiri ng Nigeria, third runner-up si Patrick Pho-ngam Forstner ng Thailand, at fourth runner-up si Luiz Mascarenhas ng Brazil.
Nabighani ang lahat sa inirampang National Costume ni Dom, kung saan binigyang buhay niya si Apolaki, ang diyos ng araw at pakikipagtunggali sa mitolohiyang Filipino.
Ipinagmalaki ni Dom ang kultura ng bayanihan sa Pilipinas. Aniya,
“The Philippine culture that I want to exercise globally is bayanihan, which means one with your country, one with your community and, in simple terms; love thy neighbour.
“Because if you start loving your neighbor, imagine the world peace that we can achieve, the conflicts and wars that we can prevent.
So if we apply this culturally around the globe, we can really make a difference.
“But it starts with us, it starts with you.”
Para sa final question kay Dom, binigyan siya ng tatlumpung segundo para sagutin ang tanong na “Can men be feminist?”
Sagot ni Dom: “Men can be feminist.
“It doesn’t matter what role you do as long as you do it with passion, with care, with friendship, and with love.
“In today’s society, we cannot choose where we will end up but we can choose how we end up there.
“So, with this, men can be feminist.”
RLVN