DOMESTIC FLIGHTS SA GCQ AREAS APRUB SA IATF

IATF-FLIGHTS

PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang pagbabalik ng domestic flights sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade,

Gayunman, sinabi ni Tugade na dapat itong nay pahintulot mula sa  kinauukulang local government units.

“Kagabi po ‘yung Inter-Agency Task Force, ‘yung ating chief implementer, si Secretary [Carlito] Galvez, nag-issue na ng kasulatan at kautusan na kung saan ang sinasabi po niya allowed na ang domestic commercial aviation,” ani Tugade.

“Ang kailangan ho dito aprubado lang ng [local] government,” dagdag pa ng kalihim.

Ito, ayon kay DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development Giovanni Lopez, ay dahil may ilang lokal na pamahalaan ang tumatangging tumanggap ng domestic flights.

“Nagkaroon lang po ng kaunting isyu pagdating sa ating mga lokal na pamahaalaan. May agam-agam sila na tumanggap ng domestic flights,” ani Lopez.

Sa pagpupulong ng DOTr at ng NTF ay napagpasiyahan, aniya, na uunahin na lang ang LGUs na gusto at handang tumanggap ng domestic flight.

Nauna rito ay sinabi ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia na unti-unti nilang ibabalik ang kanilang operasyon ngayong buwan makaraang ianunsiyo ng pamahalaan ang  pagluwag sa community quarantine restrictions sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Simula noong Hunyo ay umiral na ang GCQ sa Metro Manila mula sa enhanced community quarantine.

2 thoughts on “DOMESTIC FLIGHTS SA GCQ AREAS APRUB SA IATF”

  1. 51525 959490This really is a superb blog, would you be involved in doing an interview about just how you created it? If so e-mail me! 739322

  2. 172860 558725Hello. excellent job. I did not imagine this. This really is a impressive story. Thanks! You made certain fine points there. I did a search on the subject matter and discovered the majority of folks will have exactly the same opinion together with your blog. 110334

Comments are closed.