ISANG magandang balita po ang hatid ko sa ating mga kababayang umaangkat ng mga palahiang manok sa America. Kagagaling ko po lamang doon upang pasinayaan ang bagong shipping facility ni Domi Corpus sa SONOL, CALIFORNIA. Dahil po rito ay dalawa na ang kanyang shipping facility, ang isa ay sa LIVERMORE at ang bagong bukas na halos limang ektarya ang laki at kayang tumanggap ng higit kumulang 1,000 manok na ipadadala sa Filipinas.
Bukod pa riyan ay halos lahat ng hayop ay kayang ipadala ng HIACE SHIPPING tulad ng kabayo, kambing, baka, aso, pusa, iba’t ibang uri ng ibon tulad ng kalapati, pato, gansa o turkey at marami pang iba.
Mahigit 10 taon na sa negosyong ito si Domi at malaki na rin ang panahon na kanyang ibinuhos upang pagandahin at pag-ibayuhin ang kanyang serbisyo ‘di lamang sa atin bansa kundi pati na rin sa nga karatig natin tulad ng Vietnam, Cambodia, Indonesia, kasama rin ang GUAM AT HAWAII.
Sa hanay ng mga shipper sa America, si Domi ay DUMAAN AT PUMASA sa masusing pagsusuri at mataas na antas ng UNITED STATES DEPARTMENT OF AGRICULTURE pagdating sa mga protocol at pagsunod sa mga mahigpit na guidelines na inilatag ng departamentong ito tulad ng NATIONAL POULTRY IMPROVEMENT PROGRAM O NPIP.
HiAce Shipping was able to pass all the guidelines set forth by the USDA and he is now certified to ship livestock anywhere in the United States and Southeast Asia with USDA AND CDFA certified facility # 9253239336 according to Dr. David Ewey, USDA Director based in California .
Sa pakikipagtulungan sa ating Bureau of Animal Industry ay mahigpit na ipatutupad ang 30 days quarantine ng lahat ng mga hayop na ipadadala sa ano mang bansa na ating binanggit. Ito po ay ipinatutupad upang masiguro na walang sakit o virus tulad ng NCD, BIRD FLU O AVIAN INFLUENZA ang papasok sa ating bansa.
Marami pong mga haka-haka tungkol sa WALANG shipping facility at kakayahan na magbigay ng serbisyo si Domi Corpus pagdating sa shipments ng livestock na lumabas sa ilang post sa Facebook. Ako po ay magpapatunay na kumpleto po ang mga facility ni Domi at siya po ay mahigpit na sumusunod sa lahat ng alituntunin mula sa USDA at sa DEPARTMENT OF AGRICULTURE BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY.
Ang shipping ay isa lamang po sa napakaraming negosyo na maaaring pasukin nino man subalit kailangang ilagay natin sa tama at matuwid ang negosyong ito dahil sa selan at delikadong hatid nito sakaling makalusot sa ating bansa ang iba’t ibang sakit na maaaring ipasok nito.
Binabati ko sina Domi at Ria Corpus sa blessing ng isang napakagandang facility sa California na magsisilbi sa bayang mahilig mag-alaga ng iba’t ibang hayop.
Maaaring ma-contact si Domi Corpus sa 454 Kimball Ave., Dublin, CA.94568 19253239336, email [email protected] at si Ria Corpus sa +63 916 2510636 ng HiAce Shipping sakaling may ipadadala kayong manok kahit saan sa Filipinas at South East Asia.
Comments are closed.