NAGWAGI ng best actor award si Dominic Roco sa kanyang makabuluhang pagganap bilang isang call center agent na may pinagdadaanan sa buhay sa pelikulang “Sleepless” ni Prime Cruz na naging kalahok sa 2015 QCinema International Film Festival.
Pero ayon sa actor, hindi naging garantiya ang pagkapanalo niya upang madagdagan ang kanyang trabaho.
“Winning an award now is not a guarantee to have jobs. Ako, I’m talking based on what I experienced. I won an award and yet I did not have a regular show”, aniya.
Hindi naman ikinaila ni Dominic na minsan ay na-depress siya sa takbo ng kanyang career.
“I felt bad about it because I thought they’re gonna put premium on it, but it does not work that way anymore. So, it’s not as prestigious as before,” sey niya.
Ayon pa kay Dominic, mas enjoy siya sa paggawa ng indie kesa teleserye.
“Kapag kasi sa TV, formula siya. Calculated lahat. You could only do so much. Sa movie lalo na sa indie, you could do what you want. I just want to act and want to explore more and I find that satisfaction in doing movies. Pero so far, nae-experience ko na rin sa GMA na nag-i-innovate sila tulad sa “Imbestigador”, iyong idina-dramatize nila, they do it like an indie production. At least they’re trying to change and you can see the transition”, pahayag niya.
Si Dominic ang leading man ni Glaiza de Castro sa pelikulang “Liway”, ang highest grossing Cinemalaya film of all time.
Ginagampanan niya rito ang role ng asawa ng kilalang rebelde noong rehimen ni Marcos.
Comments are closed.