SUMANDIG ang Dominican Republic sa massive run sa second half upang gulantangin ang Italy, 87-82, sa kanilang mainit na bakbakan sa 2023 FIBA World Cup nitong Linggo sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ay kinuha ng Dominicans ang liderato sa Group A.
Nagsanib-puwersa sina Andres Feliz at NBA star Karl-Anthony Towns sa 21-9 run sa third period na nagpahirap sa world No. 10 Italians.
Sumandal ang Italy sa balanced attack kontra Dominicans para sa 12-6 kalamangan sa pangunguna ni Achille Polonara.
Subalit nakuha ng 23rd-ranked Dominican Republic ang kanilang rhythm at nakalapit via 1-point margin sa pagtatapos ng half, 39-38.
Sinamantala ng Dominicans, sa pangunguna nina Towns at Feliz, ang scoring woes ng Italians sa second half upang kunin ang 62-48 lead.
Humabol ang Italians at nakalapit sa 80-85 kasunod ng tres nina Marco Spissu at Giampaolo Ricci. Subalit naging matatag ang Dominicans at naitakas ang panalo.
Tangan ngayon ng Dominicans ang 2-0 kartada sa Group A habang nahulog ang Italy sa 1-1.
Ang top two teams sa bawat grupo ay uusad sa second round ng torneo.