MAGBIBIGAY ng cash reward ang concerned citizen na si Don Bagatsing sa sinumang makapagtuturo at makaaaresto sa isang Barangay Chairman na nambugbog sa isang binatilyo sa loob ng barangay hall sa Maynila, kamakailan.
Ayon kay Bagatsing, P20,000 ang kanyang ibibigay sa sinumang makakadakip kay Brgy. Chairman Felipe Falcon Jr., ng Brgy. 350, Zone 35, Dist. III, Sta. Cruz.
Mariing kinondena ni Bagatsing ang ginawa ni Falcon at sinabing hindi makatarungan at makatao ang ginagawang pambubugbog sa biktimang binatilyo.
Aniya, dapat ay bugbugin din ng taumbayan si Falcon sa oras na siya ay madakip o lumutang, tulad ng kanyang ginawa sa biktima.
“An eye for an eye, nambugbog siya, dapat ay mabugbog din siya at ang masaklap ay bata lamang ang kanyang walang pakundangan na sinaktan,” pahayag ni Bagatsing.
Paliwanag nito, walang puwang sa gobyerno ang isang halal na opisyal na sa halip na ipagtanggol ang kanyang mga nasasa-kupang mamamayan ay siya pa mismo ang gumagawa ng pambubugbog.
Hinihikayat din ni Bagatsing ang opisina ni Barangay Affairs ng Department of Interior and Local Gov-ernment (DILG) Usec Martin Diño na tanggalin na bilang Barangay Chairman si Falcon.