ITINANGHAL si four-division champion Nonito Donaire Jr. bilang Premier Boxing Champions’ 2021 fighter of the year.
Pinatunayan ni Donaire, may record na 42-6 na may 28 knockouts, na numero lamang ang edad nang dispatsahin niya si Nordine Oubaali noong nakaraang Mayo upang kunin ang WBC world bantamweight title sa edad na 39.
Pagkalipas ng pitong buwan, matagumpay na naidepensa ni Donaire ang kanyang korona nang gapiin si fellow Filipino at dating walang talong contender Reymart Gaballo via fourth-round knockout.
“With a combined 47.6% of the votes from our Twitter and YouTube polls, YOUR choice for the Best of PB C2021 FIGHTER OF THE YEAR is… WBC World Bantamweight Champion Nonito Donaire,” pahayag ng PBC sa Instagram.
Samantala, nakopo ni Mark Magsayo ang PBC’s knockout of the year recognition para sa kanyang eighth-round stoppage kay Julio Ceja noong nakaraang Agosto.
Ang kanyang panalo ay nagbigay sa kanya ng first shot sa world title kung saan makakasagupa niya si WBC world featherweight champion Gary Russell Jr. sa Enero 22 sa Borgata Hotel sa Atlantic City, USA.