DONAIRE PINABAGSAK SI GABALLO PARA MAPANATILI ANG WBC TITLE

PINABAGSAK ni Nonito Donaire Jr. ang kapwa Pilipinong si Reymart Gaballo upang mapanatili ang kanyang WBC bantamweight belt, Sabado sa Carson, California (Linggo sa Manila).

Si Gaballo ang  mandatory challenger kay Donaire, na idinepensa sa unang pagkakataon ang kanyang WBC belt na kanyang napanalunan noong Mayo kontra Nordine Oubaali ng France

Nagwagi si Donaire via fourth round stoppage, makaraang tamaan, gamit ang kaliwang kamay, ang katawan ni Gaballo na nagpabagsak sa challenger.

Tinangka pa ni Gaballo na tumayo para muling lumaban subalit hindi na niya kinaya ang sakit na nararamdaman.

Itinigi ng  referee ang laban at agad na nagdiwang si Donaire bago tsinek ang kababayan.

Umangat si Donaire sa 42-6 habang ito ang unang talo ni Gaballo laban sa 24 panalo.