DONAIRE POSITIBO SA COVID-19

Nonito Donaire

HINDI na matutuloy ang nalalapit na laban ni veteran Filipino boxer Nonito Donaire makaraang magpositibo ito sa COVID-19.

Sa report ng Boxing Scene, umatras ang Pinoy boxer sa kanyang laban kay Emmanuel Rodriguez para sa WBC bantamweight title sa Disyembre 19 dahil sa kanyang positive coronavirus test.

Hindi ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng pagbabago sa bout dahil sa COVID-19.

Si Donaire ay unang nakatakdang sumagupa kay Nordine Oubaali ng France, subalit nagpositibo ang huli sa COVID-19 kaya pinalitan siya ni Rodriguez.

Ayon sa Boxing Scene, maaari pang matuloy ang WBC bantamweight title fight kung saan haharapin na lamang ni Rodriguez ang isa pang Pinoy, sa katauhan ni Reymart Gaballo.

Ang fight card ay gaganapin sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Comments are closed.