DONALD TRUMP LUSOT SA 2ND IMPEACHMENT

DONALD TRUMP

PINAWALANG-SALA ng US Senate si dating US President Donald Trump sa ikalawang impeachment case na isinampa laban dito na may kaugnayan sa marahas na pag-atake ng kanyang mga tagasuporta sa US capitol.

Sa botong 57-43, ibinasura ng Senado ang kaso base sa ‘incitement of insurrection’ matapos ang limang araw na pagdinig.

Sa nasabing bilang, pito sa 50 mga kapartido ni Trump na Republican ang bumoto upang mahatulang guilty ang dating lider ng Estados Unidos.

Sa naging impeachment trial, iginiit ng mga abogado ni Trump na bahagi ng karapatan ng dating lider sa ilalim ng Saligang Batas may kaugnayan sa ‘freedom of speech’ ang pahayag nito sa rally.

Bukod dito, hindi rin nabigyan ng due process ang dating Pangulo.

Comments are closed.