CAMP AGUINALDO – NANINDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagamit sa terorismo at kinukurakot ng mga matataas na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army –National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang milyong pisong donasyong natatanggap ng kanilang front organizations.
Ayon kay AFP Spokesman BGen. Edgard Arevalo, inaasahan nila na pabubulaanan lang ito ng mga naturang front organization na nagpapanggap na mga human right organization at nagpapakilalang non-governmental organization subalit handa naman aniya ang AFP na patunayan ito.
Ito ay matapos na ipaalam ni AFP Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations, Brig. Gen. Antonio Parlade, sa gobyerno ng Belgium at European Union sa pagtungo roon ng isang delegasyon mula sa Filipinas, na ang kanilang mga donasyon sa mga organisasyong ito ay napupunta talaga sa NPA.
Iniulat ni Parlade sa Malacañang na nagpahayag ng kahandaan ang mga opisyal ng Belgium at EU na itigil ang kanilang mga donasyon kung mapatunayan ng Filipinas na ginagamit sa terrorismo ang kanilang mga donasyon.
Ayon kay Arevalo, mataas ang kumpiyansa ng AFP na makukumbinsi nila ang mga foreign donor organ-ization at governments na itigil ang kanilang pinansiyal na suporta sa mga NPA front organization kapag maiprisinta na ng AFP ang hinihingi nilang ebidensya. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.