ILALAAN sa pangangailangan ng Philippine National Police -Health Service ang tinanggap ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na P11 milyon donasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahapon sa Camp Crame, Quezon City.
Ang cheque ay iprinisinta ni PCSO General Manager Melquiades Robles at PCSO Chairman Junie Cua sa simpleng seremonya sa kahapon ng umaga.
Ayon kay Azurin, ang pondo ay gagamitin sa pagpapalakas ng healthcare system ng PNP.
Aniya, ang buong halaga ay ibibigay sa PNP Health Sevice para ipambili ng mga bagong kagamitan sa PNP General hospital at mga gamot para sa mga pulis at kanilang mga dependents.
Sinabi naman ni PCSO GM Robles na ito ang pangalawang donasyon ng PCSO sa PNP sa ilalim ng bagong administrasyon.
Anita, makakaasa ang PNP ng tuloy-tuloy na suporta mula sa PCSO bilang pagkilala sa mahalagang partnership ng PCSO at PNP. EUNICE CELARIO