DONASYONG BAKUNA NG JAPAN AT US MAY EUA NA

IGINAWAD ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization sa bakuna kontra coronavirus disease na donasyon sa Filipinas ng Japan at Estados Unidos.

Sa ulat ni FDA Director General Eric Domingo kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na naisyu na sa Department of Health ang EAU para tanggapin na ng bansa ang donasyon ng Japan.

“Tokyo is possibly donating AstraZeneca vaccines to the Philippines,” ayon kay Domingo.

Inisyuhan din ng FDA ng EUA ang DOH para sa donasyong Johnson & Johnson vaccines mula US.

Ang Japan at US ay pawang nangako na mago-donate ng COVID-19 vaccines sa Filipinas.

Samantala, inihayag din ni Domingo na ang Sinovac ay nag-apply ng pag- amyenda sa kanilang EU para maibakuna sa kabataan o edad tatlo hanggang 17.

“And in this case, children from three to 17 years old,” ayon kay Domingo.

Ang EUA ng Sinovac ay mula edad 18 pataas.

“So, this is another potential vaccine that can be used for the pediatric age group. Our vaccine experts are now taking a look at the data, and of course, asking questions to proponents and getting more information,” ayon kay Domingo.

Sinabi ng FDA director na kokompletuhin nila ang pag-aaral ngayong buwan kung papayagan nila na maibakuna sa kabataan ang Sinovac. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *