DONCIC BINITBIT ANG MAVS SA OT WIN VS NETS

Luka Doncic

NAGBUHOS si Luka Doncic ng 41-point triple-double upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa 129-125 NBA overtime win kontra Nets sa Brooklyn nitong Huwebes.

Nagtala rin si Slovenian star Doncic ng 11 rebounds at 14 assists.

Tinuldukan ni Kyrie Irving, nanguna sa Nets na may 39 points, ang 7-0 Brooklyn scoring run sa pamamagitan ng three-pointer laban kay Doncic upang bigyan ang hosts ng 110-106 kalamangan, wala nang apat na minuto ang nalalabi sa regulation.

Isang basket at dalawang free throws ni Doncic ang nagtabla sa talaan at binigyan ni Tim Hardaway ang Dallas ng 112-110 kalamangan sa pares ng free throws.

Subalit napuwersa ng Nets si Doncic sa turnover, gumawa ng steal si Ben Simmons at ipinasa ang bola kay Kevin Durant para sa isang thunderous dunk na muling nagtabla sa talaan, may 8.8 segundo ang nalalabi.

Thunder 118, Clippers 110

Dinispatsa ng Oklahoma City Thunder ang short-handed Los Angeles Clippers, ang kanilang ikalawang panalo laban sa Clippers sa loob ng wala pang isang linggo.

Nasa bench si Clippers star Kawhi Leonard para i-manage ang kanyang pagbabalik makaraang hindi maglaro noong nakaraang season dahil sa torn knee ligament, si Los Angeles star Paul George ay nalimitahan sa 10 points lamang ng kanyang dating koponan.

Nanguna si dating Clipper Shai Gilgeous-Alexander para sa Thunder na may 24points at nagdagdag si Lu Dort ng 21 para sa OKC, na tinalo ang Clippers noong Martes.

Nagbida si Norman Powell para sa Clippers na may 21 points at nagdagdag si Reggie Jackson ng 18, subalit nalasap ng Los Angeles ang ikatlong sunod na kabiguan.