ANAK ng negosyante kaya natural lamang na may puso rin sa negosyo anh young actor na si Donny Pangilinan.
Bata pa siya, 26 years old lamang, ngunit marami na siyang narating.
Wala raw siyang panahon sa ngayon para nagnegosyo ngunit ipinagmamalaki niyang marami siyang investment sa real estate.
Sosyo din umano siya sa ilang real estate business ventures ni Belle Mariano, kaya masasabi niyang hindi mapupunta sa wala ang kanyang mga kinita sa pag-aartista.
Pero kung investment din lang umano ang usapan, ang biggest investment raw Niya ay Ang kanyang sarili.
Nag-aaral daw siya, nagta-travel, at sinisiguro niyang lagi siyang fit. Dahil kahit daw mag-invest siya sa negosyo at umasenso ito, kung wala naman siyang alam at kung may sakit siya, sa wala rin mapupunta ang lahat.
Sa ngayon umano ay investment pa lamang sa real estate ang kaya niya kaya doon siya nakatutok. Hindi pa raw niya alam kung ano ang gagawin Niya sa mga binili niyang real estate, ngunit ito umano ang pinaka-safe investment dahil hindi bumababa ang presyo ng lupa.
Part din daw ng investment Niya sa kanyang sarili ay skin care. Endorser si Donny ilng QuickFX products tulad ng Pimple Eraser Powder Mud, na nakakapagpagaling ng acne sa loob lang ng tatlong oras. Maganda raw ito dahil bukod sa effective, mura pa. May investment din umano siya sa QuickFC.
Wala pa umanong maipagmamalaking si Donny na maayos na negosyo dahil hindi pa ito ang focus niya sa ngayon, ngunit pinaghahandaan raw niya ito. Someday, somehow, kinakailangan Niya ang matatag na pagkakakitaan kapag nagkapamilya na siya. RLVN