DOORMAT MAKING (negosyong pang family bonding)

DOORMAT

SOBRANG hirap na ng buhay ngayon. Hindi lamang si nanay at si tatay ang kaila­ngang kumayod upang matustusan ang lahat ng panga­ngailangan ng pamilya. Ilaw, tubig, internet, cable, bukod pa sa pagkain at renta sa bahay at gatas at diapers ni baby. Kaya lang, bawal ang child labor sa Pilipinas. Isa pa, walang tatanggap ng batang wala pang 18 years old para magtrabaho – liban na lang kung sa family business. Yun, pwede pa!

Pero paano makapagtatayo ng negosyo ang pamilyang isang kahig, isang tuka? Yung pamil­yang kasya lamang sa basic needs ang kinikita. Yung, kung makapag-ipon man, hindi aabot sa P500 sa isang buwan.

May good news po kami sa inyo. Pwedeng magkaroon ng family business na limangdaang piso (P500) lamang ang puhunan. Lahat ng mi­yembro ng pamilya, pwedeng tumulong, kahit pa ang anim na taong batang nag-aaral sa grade 1. At take note, hindi kayo maka-kasuhan ng child abuse at child labor dahil isa lamang itong activi­ty para sa family bon­ding. At ang maganda pa nito, nakapag-family bonding na kayo, kumita pa. Hindi na kaila­ngan ng training at mga espesyal na equiptment upang makapagtayo ng isang maliit na maliit na negosyong kumikita kahit paano para masuportahan ang pamilya – ang doormat making.

Dahil sa pandemya, nagmahal na ang lahat. Nang pumunta ako sa palengke para bumili ng doormat na basahan, yung dating P25 lamang, P50 na pala ngayon, samantalang napakadali namang gawin nito. Naisip ko tuloy, gagawa na lang ako, wala pang gastos.

Natuto akong gumawa ng doormat sa Fairview, Quezon City dahil ito ang negosyo ng kapitbahay naming may pitong anak. Sa pag-gawa ng doormat nila kinukuha ang pambili ng pagkain sa araw-araw, at ang kinikita naman ng mga batang anak ay bina­baon nila sa iskwelahan. Sa bawat doormat ay nagkakahalaga ng P15 para sa bulk order, at kaya nilang gumawa ng 100 piraso sa loob ng isang araw, kaya kumikita sila ng P1500 per day.

Bawat anak nilang nag-aaral ay obligadong gumawa ng doormat na babayaran ng ina ng P2.50 bawat piraso. Depende sa dami ng magagawa nila ang baon nilang pera kinabukasan. Masasabi bang child labor ito? Walang pilitang nangyayari. Kung masipag ang bata, Malaki ag baon. Kung tamad, konti lang.

Kayang matuto ng kahit sino na gumawa nito sa loob lamang ng kalahating oras o mas maikli pa, kung kumpleto ang kagamitan. Kaila­ngang ihanda ang isang baskagan (frame) na may sukat na 60 x 120 inches, sampung kilong retaso na mabibili sa halagang P10 bawat kilo, isang matalas na gunting, at malaking panggantsilyo.

Kapag nakahanda na ang lahat, simulan muna ang paggugupit ng retaso pahaba. Kung pagdurugtungin ang mga retaso, ibuhol ang dalawang dulo na parang laso. Higpitan itong mabuti ngunit siguruhin maliit lamang ang buhol upang hindi makaapekto sa hitsura.

By the way, mas makakamura kayo kung bibili na lamang ng mga mumurahing cotton shirts sa ukay-ukay. Piliin ninyo ang pinakamura. May nabibili pong 3 for P10, merong P5 isa. Minsan nga, may tig-P2 pa bawat T-shirt. Limang T-shirt na malaki po ang isang kilo. Kung P5 bawat isa, kailangan ninyong bumili ng 50 shirts (10 kilos) na ang kabuuang halaga ay P250.

Pwede rin pong hindi cotton ang bilhin ninyo basta manipis lamang ang tela. Hindi po pwede ang maong, khaki at iba pang mabibigat at makakapal na tela dahil malulugi kayo.

Matapos gupitin ng pahaba at pagdugtung-dugtungin ang mga retaso, simulan na ang paghahabi. Ngunit siguruhing maayos ang pagkakapulon ng mga retaso upang hindi kayo mahirapan sa paghahabi nito.

Sa paghahabi, isabit ang mga retaso sa mga pakong nasa baskagan. Siguruhing hindi mas­yadong mahigpit o maluwag ang paghahabi.

Kapag masyadong mahigpit ay lumiliit ang doormat, kung masyado namang maluwag ay madali itong matastas, bukod pa sa nagka-karoon ng mga butas.

Kapag tapos na kayo sa pagsasabit ng mga retaso sa pako, simulan ang paghahabi na parang gumagawa ng banig. Kapag natapos na, kunin ang malaking panggan­tsilyo at isara ang mga tagili­ran. Suguruhing maa­yos ang pagkakasara upang hindi matastas, Ibuhol din ng maayos ang huling butas upang hindi makita ang buhol.

Ang 10 kilong retaso ay nakagagawa ng 20 hanggang 25 doormat na maibebenta sa halagang P50 bawat isa sa palengke sa kasaluku­yang panahon.

Pwede ring P40 kung gusto ninyong makakuha ng mara­ming customer, o kung maramihan. Sa mada­ling sabi, ang P150 ay napa-ka­daling gawing P1,250 kung masipag kayo. Karaniwang nakagagawa ng 20 hanggang 25 doormat ang isang abalang misis sa loob ng isang araw, kahit sa simula, malamang na kahit isa ay hindi ninyo matatapos agad. Kon­ting pasensya po lamang dahil ganyan talaga sa umpisa. Mas madali pong matuto ang mga bata, lalo pa at may kapalit na mala­king baon kinabukasan.

Napakagandang ne­gosyo nito para sa buong pamilya. Maka­kaiwas na sa barkada ang mga bata, makakapag-bon­ding pa ang pamilya, at kikita pa ng ekstra. Try n’yo na.

4 thoughts on “DOORMAT MAKING (negosyong pang family bonding)”

  1. 847951 665740Soon after I initially commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now each time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any method you will be able to take away me from that service? Thanks! 190893

Comments are closed.