Sobrang hirap na ng buhay ngayon. Hindi lamang si nanay at si tatay ang kailangang kumayod upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya. Ilaw, tubig, internet, cable, bukod pa sa pagkain at renta sa bahay at gatas at diapers ni baby. Kaya lang, bawal ang child labor sa Pilipinas. Isa pa, walang tatanggap ng batang wala pang 18 years old para magtrabaho – liban na lang kung sa family business. Yun, pwede pa!
Pero paano makapagtatayo ng negosyo ang pamilyang isang kahig, isang tuka? Yung pamilyang kasya lamang sa basic needs ang kinikita. Yung, kung makapag-ipon man, hindi aabot sa P500 sa isang buwan.
May good news po kami sa inyo. Pwedeng magkaroon ng family business na limangdaang piso (P500) lamang ang puhunan. Lahat ng miyembro ng pamilya, pwedeng tumulong, kahit pa ang anim na taong batang nag-aaral sa grade 1. At take note, hindi kayo makakasuhan ng child abuse at child labor dahil isa lamang itong activity para sa family bonding. At ang maganda pa nito, nakapag-family bonding na kayo, kumita pa. Hindi na kailangan ng training at mga espesyal na equiptment upang makapagtayo ng isang maliit na maliit na negosyong kumikita kahit paano para masuportahan ang pamilya – ang doormat making.
Dahil sa pandemya, nagmahal na ang lahat. Nang pumunta ako sa palengke para bumili ng doormat na basahan, yung dating P25 lamang, P50 na pala ngayon, samantalang napakadali namang gawin nito. Naisip ko tuloy, gagawa na lang ako, wala pang gastos.
Natuto akong gumawa ng doormat sa Fairview, Quezon City dahil ito ang negosyo ng kapitbahay naming may pitong anak. Sa paggawa ng doormat nila kinukuha ang pambili ng pagkain sa araw-araw, at ang kinikita naman ng mga batang anak ay binabaon nila sa iskwelahan. Sa bawat doormat ay nagkakahalaga ng P15 para sa bulk order, at kaya nilang gumawa ng 100 piraso sa loob ng isang araw, kaya kumikita sila ng P1500 per day.
Bawat anak nilang nag-aaral ay obligadong gumawa ng doormat na babayaran ng ina ng P2.50 bawat piraso. Depende sa dami ng magagawa nila ang baon nilang pera kinabukasan. Masasabi bang child labor ito? Walang pilitang nangyayari. Kung masipag ang bata, Malaki ag baon. Kung tamad, konti lang.
Kayang matuto ng kahit sino na gumawa nito sa loob lamang ng kalahating oras o mas maikli pa, kung kumpleto ang kagamitan. Kailangang ihanda ang isang baskagan (frame) na may sukat na 60 x 120 inches, sampung kilong retaso na mabibili sa halagang P10 bawat kilo, isang matalas na gunting, at malaking panggantsilyo.
Kapag nakahanda na ang lahat, simulan muna ang paggugupit ng retaso pahaba. Kung pagdurugtungin ang mga retaso, ibuhol ang dalawang dulo na parang laso. Higpitan itong mabuti ngunit siguruhin maliit lamang ang buhol upang hindi makaapekto sa hitsura.
By the way, mas makakamura kayo kung bibili na lamang ng mga mumurahing cotton shirts sa ukay-ukay. Piliin ninyo ang pinakamura. May nabibili pong 3 for P10, merong P5 isa. Minsan nga, may tig-P2 pa bawat T-shirt. Limang T-shirt na malaki po ang isang kilo. Kung P5 bawat isa, kailangan ninyong bumili ng 50 shirts (10 kilos) na ang kabuuang halaga ay P250.
Pwede rin pong hindi cotton ang bilhin ninyo basta manipis lamang ang tela. Hindi po pwede ang maong, khaki at iba pang mabibigat at makakapal na tela dahil malulugi kayo.
Matapos gupitin ng pahaba at pagdugtung-dugtungin ang mga retaso, simulan na ang paghahabi. Ngunit siguruhing maayos ang pagkakapulon ng mga retaso upang hindi kayo mahirapan sa paghahabi nito.
Sa paghahabi, isabit ang mga retaso sa mga pakong nasa baskagan. Siguruhing hindi masyadong mahigpit o maluwag ang paghahabi.
Kapag masyadong mahigpit ay lumiliit ang doormat, kung masyado namang maluwag ay madali itong matastas, bukod pa sa nagkakaroon ng mga butas.
Kapag tapos na kayo sa pagsasabit ng mga retaso sa pako, simulan ang paghahabi na parang gumagawa ng banig. Kapag natapos na, kunin ang malaking panggantsilyo at isara ang mga tagiliran. Suguruhing maayos ang pagkakasara upang hindi matastas, Ibuhol din ng maayos ang huling butas upang hindi makita ang buhol.
Ang 10 kilong retaso ay nakagagawa ng 20 hanggang 25 doormat na maibebenta sa halagang P50 bawat isa sa palengke sa kasalukuyang panahon.
Pwede ring P40 kung gusto ninyong makakuha ng maraming customer, o kung maramihan. Sa madaling sabi, ang P150 ay napakadaling gawing P1,250 kung masipag kayo.
Karaniwang nakagagawa ng 20 hanggang 25 doormat ang isang abalang misis sa loob ng isang araw, kahit sa simula, malamang na kahit isa ay hindi ninyo matatapos agad. Konting pasensya po lamang dahil ganyan talaga sa umpisa. Mas madali pong matuto ang mga bata, lalo pa at may kapalit na malaking baon kinabukasan.
Napakagandang negosyo nito para sa buong pamilya. Makakaiwas na sa barkada ang mga bata, makakapag-bonding pa ang pamilya, at kikita pa ng ekstra. Try n’yo na. NV
483057 984993Hey there! Great stuff, do maintain us posted when you finally post something like that! 371367
841683 970490Thank you for your information and respond to you. auto loans westvirginia 284763
840516 893880The luxury proposed may be incomparable; citizens are never fail to searching for bags can be a Native goals. The notion numerous insert goals uniquely to push diversity with visibility during the travel and leisure arena. Hotels Discounts 278331
583428 41471Could it be okay to write several of this on my small web web site only incorporate a 1 way link to the internet site? 12506