DOSENANG TULAK NAISELDA NG PULISYA

selda

BULACAN – LABINDALAWANG tulak ng droga na karamihan ay nasa drug watchlist ng pulisya ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan-PNP makaraang paigtingin ang drug war sa lalawigan partikular sa bayan ng Bocaue, Marilao at Meycauayan City.

Base sa report na isinumite kay P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan police director ng Bulacan-PPO, kabilang sa mga nadakip ay sina  Jon-jon Martinez, 31; Mauro Cabanas, Jerome Domingo, Mervin Mallari,William Pangilinan, at Diosdado Cagado na pawang nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 at nakum­piskahan sila ng kabuuang 38 pakete ng shabu, drug paraphernalias at  buy bust money.

Nabatid na kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng serye ng anti-drugs operation ang DEU ng Bocaue-PNP sa ilalim ng overall supervision ni PLt Col Rizalino Andaya, Bocaue police chief, at sumunod na rito ang Marilao, Meycauayan City, Baliwag at Malolos City na nagresulta sa pagkakadakip sa 12 sangkot sa pagtutulak ng droga.

Ipinasailalim sa weeklong surveillance ng kapulisan ang mga naturang drug peddler bago nasakote sa serye ng buy bust operation at naiiwasan ang pagdanak ng dugo dahil sa pagsuko nang maayos ng mga drug suspect.

Ang kampanya ng Bulacan-PNP sa drug war ay nagpapatuloy at inaasahang lalo pa itong paiigtingin sa pagpasok ng taong 2020 kung saan target ng Bulacan-PNP na tuluyang matuldukan ang suliranin sa droga sa lalawigan. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.