AGONCILLO, Batangas – MAGKAKAROON ng magandang ani ng tilapia rito sa baybayin ng bayan ng Agoncillo sa pagbibigay ng value-added fish processing technology at good manufacturing practices na ipinakilala sa kanila ng Department of Science and Technology (DOST) 4-A (Calabarzon) sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) – Batangas and Industrial Technology Development Institute (ITDI).
Kinumpirma ni John Maico Hernandez, information officer and science research specialist ng DOST-PSTC Batangas, kamakailan na ang bagong value-added fish processing technology na ginawa ng ahensiya ay nagpapakita sa growers kung paano magproseso ng tuyo at marinated tilapia products.
“The technology aims to improve existing fish processing and combined training on the integrated current Good Manufacturing Practices (GMP), which are now benefiting the Bilibinwang Multipurpose Cooperative members here,” ani Hernandez.
Tinipon ng PSTC-Batangas ang mga miyembro ng coop noong Pebrero 20-22, para ibahagi sa kanila ang bagong teknolohiya ng food processing na makapagbibigay ng garantiya nang mas mabuting kita dahil makapagsisimula na silang magbenta ng processed tilapia products, na may mas matagal na shelf-life, kaysa sa sariwang isda lamang.
“The cooperative has been engaged in agricultural services, mini grocery and loan services on its initial operation and has ventured into tilapia fish processing besides the huge harvest of the aquatic resources in their locality,” dagdag ni Hernandez.
Sinabi niya na ang DOST 4-A, sa pammagitan ng kanilang grants-in-aid program, ay nagbigay ng mechanical dryer para magamit ng multi-purpose coop.
Inaasahan na ang kooperatiba ay magkakaroon ng full production sa kanilang “upgraded” processed tilapia products gamit ang bagong fish processing facility na ibinigay ng DOST, na may suporta ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ilan sa mga bagong tilapia-based products ng kooperatiba na inaasahang magiging best-seller, ay ang “lamayo” o ang semi-dried tilapia, na magkakaroon ng malaking benepisyo mula sa bagong gamit.
Ipinaliwanag din ni Hernandez na ang training program ay sumasakop din ng critical points sa fish processing, tulad ng paglilinis, pagtanggal ng kaliskis, pagtanggal ng lamang-loob at hasang, paghiwa, paglinis at pamimili, na mas magagawa ngayon ng maayos gamit ang makabagong teknolohiya.
Sinabi niya na namahagi rin ang DOST-ITDI trainers ng tatlong estilo ng pagpoproseso ng tilapia — salt-ed, acidified (marinated), at tocino-styled. PNA