NAGLAAN na ang Department of Science and Technology (DOST) ng PHP17.7 million para sa implementasyon ng technology innovation projects ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa Negros Occidental para sa taong 2019.
Ibinigay ang funding assistance sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SET UP) Innovation Fund (i-Fund) ng ahensiya.
Sinabi ni Allan Francis Daraug, director of DOST-Negros Occidental, sa isang panayam kamakailan na karamihan sa mga kasalukuyang benepisyaryo sa probinsiya ay iyong mga nasa food processing at metals and engineering sectors.
Ang mga benepisyaryo ay muling nagbayad ng total cost ng tulong sa gobyerno para sa tatlong taon ng walang interes, dagdag niya.
Ang SET UP ay isang estratehiya ng DOST para matulungan ang pakikipagkumpetensiya ng MSMEs sa pamamagitan ng probisyon ng science and technology-based interventions.
Kasama rito ang technical consultancy services, product development, process at equipment upgrading, technology training, laboratory at testing services, at packaging at labeling assistance.
Ang sektor na nasa prayoridad ay iyong mga nasa food processing, furniture, gifts, decors at housewares, agriculture, aquaculture and marine, metals at engineering, information and communications technology (ICT), and pharmaceuticals and health products.
Ipinakita sa record ng DOST-Negros Occidental na ang SET UP ay nakapagbigay ng benepisyo sa ilang 106 MSMEs sa probinsiya.
Noong 2018, naglaan din ang ahensiya ng PHP17.7 milyon para sa facility upgrading habang noong 2017, ang total funding ay nasa PHP12.6 milyon.
Tumatanggap ang programa ng recipient-enterprises na existing na kahit tatlong taon sa manufacturing industry, na awtorisado ng Department of Trade and Industry(DTI) at Securities and Exchange Commission(SEC), o ang Cooperative Development Au-thority for cooperatives and with necessary permits from the local government unit.
Samantala, ang SET UP i-Fund ay bahagi ng implementasyon ng SET UP 2.0, ng tinipong interbensiyon sa industriya at sector level bukod sa pagtugon nito sa firm-level science at technology constraints, na nakatakda para sa buong implementasyon sa susunod na taon. PNA
Comments are closed.