DOT, BIR, BOC UNANG SISILIPIN NG OVERSIGHT COMMITTEE NG KAMARA

KAMARA

UUNAHING silipin ng oversight committee ng Kamara ang Department of Tourism (DOT), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).

Bubusisiin ng oversight committee ang P300 billion unspent funds ng DOT na maaari sanang gamitin sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino.

Samantala, titingnan naman ng oversight committee ang performance ng BIR at BOC upang matiyak na nakukuha ng dalawang government collecting agencies ang target revenue para sa gobyerno.

Binuhay muli ng Kamara ang Oversight Committee para mabantayan ang performance ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Ang oversight committee ay binuwag sa Mababang Kapulungan noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino pero ipinababalik ulit dahil sa kahalagahan ng papel ng lupon.

Itinalaga bilang chairman ng oversight committee si Minority Leader Danilo Suarez habang vice chairman naman si Buhay party­list Rep. Lito Atienza.

Sinabi ni Suarez na sa pagbabalik ng oversight committee ay mas maisusulong ang transparency at accountability sa mga ahensiya sa ilalim ng adminis­trasyong Duterte. CONDE BATAC

Comments are closed.