DOT EYES FARM, ECO-TOURISM FOR INCLUSIVE, SUSTAINABLE DEV’T

indigenous

NAKATUTOK nga­yon ang Department of Tourism (DOT)  para sa pag-unlad ng farm and eco-tourism sites sa rehiyon para magbigay ng kita sa mga maliliit na magsasaka at sa Indigenous Peoples (IPs).

“The tourism industry provides great opportunities for diversification of income for small-scale farmers and IP organizations,” pahayag ni DOT Undersecretary Marco Bautista sa isang pana­yam sa pagdiriwang ng  21st year Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 kamakailan.

Sinabi ni Bautista, isang natibo ng probinsiya ng Abra na ang farm at eco-tourism ay nagbukas ng bagong pananaw sa kabuhayan lalo na sa IP groups, tungo sa napapabilang at sa sustainable economic development.

Ikinalungkot niya na sa kabila ang masagana at maraming likas na yaman at iba-ibang kultura, naiiwan pa rin ang Filipinas ng ibang katabing bansa pagdating sa farm and eco-tourism sites.

Sinabi ni Bautista na ang rehiyon ng Cordillera ay mayaman sa likas na yaman na magagamit nang husto.

“Farm and eco-tourism are very important here in the region, since Cordillera has a lot of natural resources, especially for the IP community, who are the ones who will really benefit from this,” paliwanag niya. “This is why we envision farm tourism as a community rejuvenation. This is what we are pushing for, really beneficial for the IP community.”

Sinabi ni Bautista, ang convergence program ng  DOT, Department of Agriculture, at local government units ay dapat pag-ibayuhin para ang IP communities at mga maliliit na magsasaka ay makatulong sa pagpapayabong ng agri-tourism program.

Sa mga nakaraang taon, sinabi niya ang DOT at ang Department of Public Works and Highways ay matagal nang nagpapatupad ng tourism-road convergence project, nagtatayo ng tourism road network na nagbibigay daan sa tourism sites sa ibang localities, kasama ang barangay na may tourist spots.

Nauna rito, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka sa rehiyon na sumubok sa farm tourism, dahil ito ay malaki ang maibibigay na benepisyo sa kanila tulad ng mataas ng kita ang libreng edukasyon at higit sa lahat ay para sa seguridad ng pagkain sa bansa.

Ipinakilala na ng DOT-Cordillera ang highland farmers sa konsepto ng farm tourism, na ipinaliwanag ng mga opisyal na nakatutuwa.

Ipinaliwanag ni Jovita Ganongan, officer-in-charge of DOT Cordillera, ang “fun farm tourism” bilang isang gawain na pumapayag sa mga turista na dumaan sa gawaing pang-karanasan sa pagbibigay ng oryentasyon na hihimok sa mga magsasaka na pumasok sa isang gawain ng  higit pa sa pagprodyus kundi makapagbahagi rin ng karanasan.

Sinabi ni Ganongan na ang mga magsasaka ay hindi lamang nakapokus sa pagpaparami, kundi magkakaroon din sila ang tourism activities sa kanilang sakahan, ipasyal ang kanilang mga turista at turuan sila kung paano ang magsaka.

Sa kabila ng farm tourism concept na bago sa IP community, binigyan ng DOT ng akreditasyon ang dalawang farm tourism sites — ang Cosmic farm sa Benguet, at ang Layug farm sa Mountain Province.

“There are so many things to be done. Everyone should work hand in hand to achieve sustainable development for our IP community and small-scale farmers,” sabi ni Bautista.     PNA

Comments are closed.