DOT, IATF NAGHAHANDA SA PAGBUBUKAS NG TURISMO

Benito Bengzon

PINAGHAHANDAAN na ang pamunuan ng Department of Tourism (DOT) sakaling magkaproblema sa pagbubukas ng turismo sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga LGU’s para sa anumang maaaring maging epekto sa kapakanan ng mga bibisitang turista.

Binigyang diin din ni Bengzon, maingat ang ginagawa nilang hakbang at proseso sa pagbiyahe ng mga turista para masigurong hindi magiging dahilan ng pagkalat ng virus ang pamamasyal ng mga ito.

Iginiit naman ng ahensiya na ang naturang hakbang ay magiging daan para muling sumigla ang turismo at negosyo. DWIZ 882

Comments are closed.