DOT PINAKILOS SA TRAVEL WARNINGS

DOT

PINAAAKSIYUNAN ni Senate Committee on Tourism chairman Nancy Binay sa Department of Tourism (DOT) ang inilabas na travel warning ng United Kingdom at Australia laban sa pagbiyahe sa Filipinas lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Nangangamba si Senadora Binay na makaapekto sa lagay ng turismo sa bansa ang nabanggit na mga travel warning.

Nabatid na nag-ugat ang naturang travel advisories sa pagsabog na naganap sa Cotabato City noong bisperas ng Bagong Taon kung saan dalawa ang namatay at 35 lima ang nasugatan.

Iginiit ni Binay, dapat mag-doble kayod ang DOT sa paglalatag ng mga hakbang para itama ang maling impresiyon laban sa Mindanao.

Kaya’t inirekomenda ng Senadora na mainam na magkaroon ng da­yalogo ang gobyerno sa mga embahada ng iba’t ibang bansa para ipaalam na ligtas na magbiyahe o pumasyal sa Filipinas ang kanilang mamamayan.

Comments are closed.