DOTr ASEC SINIBAK NI DIGONG

SINIBAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pagsuway sa kanyang kautusan na huwag lalapit sa sinuman sa kanyang mga kamag-anak para isulong ang anu-mang proyekto sa pamahalaan.

“The mistake of Asec. Tolentino was that he talked with a relative of the President… And the reminder of the President is: no one in government should entertain any relative of the President in connection with any matter that has to do with government,” wika ni  Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Roque, ang pagkakasibak kay Tolentino ay magsisilbing babala sa sinumang opisyal o empleyado ng pamahalaan na magtatangkang kausapin ang sinuman sa kanyang mga kamag-anak hinggil sa anumang kontrata o ‘di kaya ay appointment sa go-byerno.

Magugunita na sa kanyang ginawang press conference noong nakaraang linggo ay sinabi ni Tolentino na mayroon siyang bas-bas ng kapamilya ng Pangulo na talakayin ang tungkol  sa Mindanao Railway project kahit pa walang authority mula sa kanyang mga boss.

Inakusahan ni Tolentino ang ilang DOTr officials na aniya’y dahilan upang mabinbin ang implementasyon ng P36 bilyong rail-way project.

Ang akusasyon ni Tolentino ay mariin namang itinanggi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan.

Ayon kay Batan, sinubukan nilang ipagpaliban ni Tolentino ang pagsasagawa ng press conference noong nakaraang linggo ha-bang nakikipag-negosasyon pa sa China hinggil sa natu­rang proyekto.

Samantala, tiniyak ng DOTr na “on track at on schedule” ang Mindanao Railway project na prio­rity project sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Tiniyak na ang  Phase I (Tagum-Davao-Digos) ay inaasahang matatapos sa taong 2021 nang walang pagkaantala at katiwalian.   EVELYN QUIROZ

 

Comments are closed.