DOTr AT PNP NAGBIGAY NG TIP SA MGA BALIK ESKUWELA

balik eskwela

DALAWANG  araw bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Lunes ay nagpalabas ng balik-eskuwela tips ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Police-National Capital Regional Police Office para sa mahigit 20 million mag-aaral na dadagsa lalo na sa Kalakhang Maynila.

Una nang inanunsyo ng DOTr ang pagbuhay sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskuwela 2019 para matiyak ang kahandaan sa pagbubukas ng klase

Kasabay nito ay pinaalala  ng DOTr ang i­lang Road Safety Rules na importanteng sundin ng mga mag-aaral gaya ng pagiging alerto  sa pagtawid sa daan; alamin ang mga safety at pedestrian signal, gamitin ang pedestrian lane o overpass sa pagtawid.

Huwag gumamit ng gadgets habang tumatawid, Huwag maglaro malapit sa kalsada o parking areas at gamitin nang wasto ang  mga sidewalk

Samantala inihayag naman ni  PNP-NCRPO  Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar nasa 7,153 pulis ang itatalaga sa kanilang  “Ligtas Balik Eskuwela 2019” para mapangalagaan ang mga mag-aaral laban sa criminal elements.

Inatasan din ni Eleazar ang lahat ng kanyang District Directors na magpatupad ng  safety and security plans para sa mga mag aaral, mga guro at mga magulang na inaasahang dadagsa sa mga lansangan. VERLIN RUIZ