DOTR: BICOL INT’L AIRPORT TATAPUSIN SA HUNYO 2020

BICOL INTL AIRPORT

TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na matatapos ang Bicol International Air-port (BIA), na kasalukuyang ginagawa sa bayang ito sa Hunyo 2020 at mapapasimulan ang operasyon nito bago mata-pos ang naturang taon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ginawa ni Tugade ang kanyang pangako sa pulong nila kamakailan sa tanggapan ng DOTr sa Clark, Pampanga kung saan tinalakay ang huling mga kaganapan kaugnay sa P4.8 bilyong BIA at iba pang mga proyekto sa mga rehiyon.

Inaasahang malaki ang maiaambag ng BIA kapag natapos ito sa pangkalahatang pagsulong ng bansa, lalo na sa larangan ng tur-ismo. Magsisilbi itong susi para mabuksan ang mga nakakabighaning kayamanan sa turismo ng timog Luzon.

“Maraming salamat. Naibalik mo ang tiwala ko sa hinaharap namin,” sabi ni Salceda kay Tugade matapos tiyakin nitong mata-tapos ang BIA sa Hunyo 2020. Itinuturing na “Pinakamagandang Pintuan” ang BIA sa buong bansa para sa mga dayuhang turista.

Pang-apat ang Albay sa mga dinarayong mga lugar ng mga turista sa bansa. Higit pang tataas ang ranggo nito kung pagsasama-hin ang natural na daloy ng mga turista sa Albay, Sorsogon at Masbate. Inaasahang tiyak na babahain ng turista ang Albay kapag natapos at napaandar na ang BIA.

Kumpleto na ang pondo para sa BIA at mabilis ang progreso ng paggawa nito matapos maresolba ang ilang usaping teknikal kaugnay sa proyekto, kasama na ang relokasyon ng mga ‘transmission towers’ ng National Grid Corporation of the Philippines. Ayon sa talaan, 57% na itong tapos nitong naklaraang Mayo 30.

Determinadong itinutulak ni Salceda ang BIA mula pa noong dating congressman at pagkatapos gobernador siya ng Albay at Bicol Regional Development Council chairman hanggang 2016. Pinasimulan ito noong 2005 at na­ging puspusan ang trabaho simu-la noong 2009, ngunit naantala ng mga isyung teknikal.

Tiniyak  na malaki ang magiging ambag ng BIA sa pambansang turismo lalo na at seryoso rin ang Department of Tourism (DOT) sa misyon nitong itaas sa 20 milyong turista ang aakitin sa bansa. Sa u­nang ‘quarter’ ngayong taon umabot sa 2.2 milyong ang bumisitang dayuhang turista sa bansa, katumbas ng 7.6% na dagdag.

Ayon sa DOT, ang pa­tuloy na paglago ng turismo sa Filipinas ay lalo pang pinasisigla ng mga bagong bukas na ruta ng  ‘air-lines’ ng bansa sa Australia, Japan at iba pa. Ang BIA ay nasa pusod mismo ng turismong yaman ng Albay.  Nasa lilim ito ng ban-tog na Mayon Volcano at karating lamang ang kilalang ‘Cagsawa Ruins.’

Nananatiling nangu­nguna ang South Korea na pinanggagalingan ng mga dayuhang turista sa Filipinas. Sinusundan ito ng China, United States, Japan at Australia.

Comments are closed.