BUKAS ang Department of Transportation (DOTr) na baguhin ang oras ng libreng sakay para sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2 at PNR.
Ayon kay Mike Capati, director for operations ng MRT, tatapusin muna nila ang trial period na tatlong buwan bago mag-adjust ng oras kung kinakailangan.
Sinabi ni Capati na kailangan muna nilang tingnan ang reaksiyon ng mga tao at ang bilang ng mga estudyanteng nakasasakay ng libre sa susunod na mga buwan.
Sa unang araw ng pagpapatupad nito ay nasa 328 estudyante ang nakasakay nang libre sa MRT-3 sa umaga at 341 naman sa hapon.
“Kasi sa unang pag-asses namin, meron talagang mga estudyante na lumalabas ng between 3:00pm, ‘yung mga middle shift at ‘yung mga papasok naman ng last shift between 5:00 to 5:30. So re-reviewhin po natin ito once na nakita natin na kailangang mag-adjust, ay mag-a-adjust po tayo. Ang importante po diyan ay makuha po natin ang maximum na benepisyo para po sa mga estudyante natin,” ani Mike Capati, director for operations ng MRT.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang information drive ng DOTr upang mas maraming estudyante ang maka-avail ng benepisyong ito mula sa pamahalaan.
Umabot na rin sa 5,000 ang nakapag-aplay ng online para sa student free ride ID at inaasahang dadami pa ito sa mga susunod na araw.
Libre ang sakay ng mga estudyante sa MRT 3 mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang 6:30 ng umaga at alas- 3:00 hanggang 4:30 ng hapon.
Alas-4:30 ng umaga naman magsisimula ang libreng sakay sa LRT 2 hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-3:00 hanggang alas-4:30 ng hapon.
Samantala, alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga naman ang libreng sakay sa PNR at alas-3:00 hang-gang alas -4:00 ng hapon. DWIZ882
Comments are closed.